Mga Post

Pagsusuri ng mga Tula

Pagsusuri ng Tula MAPANGLAW ANG MGA ILAW SA.  CALABARZON I. Talambuhay May akda: Pedro L. Ricarte II. Paksa ng Tula  Ang paksa ng tula ay may katiyakan sapagkat ipinapabatid nito ang mensahe sa ibang magsasaka na nagnanais o nanghihinayang sa pangyayaring hindi na muli nila matatamnan ang lupain kanilang nakasanayang tamnan, palaguin at muling maibalik ang uri ng buhay na kanilang kinagisnan. III.  Simbolong Ginamit Paruparo- ginagamit bilang simbolo sa pagkakaroon ng pagbabago o metamorposis. IV.  Angkop na Teoryang Pampanitikan  Ang may akda ng tulang ito ay gumamit ng Teoryang Historikal bilang pagtutulad ng paruparo sa kalagayan ng mga magsasaka dito sa Pilipinas na kung saan dati ay sagana pa sila sa lupang pwedeng sakahan ngunit ng dumating ang panahon ng pagbabago at modernisasyon, ang lupaing dating sakahan ay naging lugar-tayuan ng mga naglalakihang gusali at iba pa. Kalakip din nito ang Teoryang Realismo-- ang walang hanggang pagbabago na nat...