Pagsusuri ng mga Tula

Pagsusuri ng Tula
MAPANGLAW ANG MGA ILAW SA.  CALABARZON

I. Talambuhay
May akda: Pedro L. Ricarte
II. Paksa ng Tula
 Ang paksa ng tula ay may katiyakan sapagkat ipinapabatid nito ang mensahe sa ibang magsasaka na nagnanais o nanghihinayang sa pangyayaring hindi na muli nila matatamnan ang lupain kanilang nakasanayang tamnan, palaguin at muling maibalik ang uri ng buhay na kanilang kinagisnan.
III.  Simbolong Ginamit
Paruparo- ginagamit bilang simbolo sa pagkakaroon ng pagbabago o metamorposis.
IV.  Angkop na Teoryang Pampanitikan
 Ang may akda ng tulang ito ay gumamit ng Teoryang Historikal bilang pagtutulad ng paruparo sa kalagayan ng mga magsasaka dito sa Pilipinas na kung saan dati ay sagana pa sila sa lupang pwedeng sakahan ngunit ng dumating ang panahon ng pagbabago at modernisasyon, ang lupaing dating sakahan ay naging lugar-tayuan ng mga naglalakihang gusali at iba pa. Kalakip din nito ang Teoryang Realismo-- ang walang hanggang pagbabago na natatamasa natin pahanggang ngayon.
V.  Pagpapahalaga sa Talasalitaang Ginamit
Mapanglaw ang mga ilaw- walang pagasa
Kasama- magsasakang tumutulong lamang
Gagapin- matanggap
Berdeng lupain- sakahan
VI.  Pagtukoy sa Sukat at Tugma
 Sa tulang ito, mapapansin ng mga mambabasa na sa ibang taludtod at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtutugma-tugma ng mga salita na napakasining, mahusay siya sa pag-iisip na maiparating ang mensahe ng pagbabago sa mga mambabasa.  At ang tulang ito rin ay may malayang sukat at binubuo ng apat(4) na saknong.
VII.  Pagpapahalagang Pangkatauhan
 Pagbabago,  ang salitang naging sentro ng tula. Pagbabago na siyang naging parte na na ng buhay ng mga tao.


Pagsusuri ng Tula
SANDAANG HAKBANG PAPUNTANG MALAKANYANG
I.  Talambuhay
A.  May akda-Frank Omatu
II. Kayarian ng tula- tulang pasalaysay
III.  Sangkap ng tula
A.  Tayutay
 -pagmamalabis(hayberboli) sandaang hakbang papuntang malakanyang
B.  Persona
Ang persona o taong nagsasalita sa tulang ito ay isang lalaki.
C.  Tugma at Sukat
- sa tulang ito, ang akda ay ginamitan ng malayang taluturan sapagkat lumikha ang may akda ng walang sulat at merong tugma.
D.  Imahen
- Pamahalaang Suwapang, Kinawawang Bayang Walang kamuwang-muwang
(nagpapakita kung Paano o kung anong klaseng pamahalaan ang meron dito)


Pagsusuri ng Tula
ANG BABAE SA PAGDARALITA
I.  TALAMBUHAY
A. May akda- Joi Barrios
II.  Kayarian ng Tula- tulang pasalaysay
III.  Sangkap ng Tula
A.  Tayutay
Pagtutulad(simili) - babae akong sinasakmal ng kahirapan, kahirapan na mistulang ahas sa damuhan.
B. Persona
Ang persona o taong nagsasalita ay isang babae na kung saan ay lumalaban at sinasabing kaya niya kahit na babae siya.
C. Sukat at Tugma
- sa tulang ito, ang akda ay gumamit ng malayang taludturan sapagkat lumikha ang may akda ng qalang sukat at walang tugma.
D.  Imahen
- Anong gagawin ng babae sa kanyang karukhaan?
- Nasa ating mga babae ang pakikibaka
( ipinapahiwatig nito na kayang gawin ng kababaihan ang lahat kahit pa pakikibaka ang usapan). Messenger

Mga Komento